MANILA, Philippines - Nakakasulasok na amoy ang naging susi upang matagpuan sa loob ng tinutuluyang condominium unit sa Malate, Maynila ang bangkay ng isang Japanese national na tinatayang mahigit isang linggo nang patay.
Kinilala ng MPD-Homicide division ang biktima na si Toshinosuke Okabe, 86, pansamantalang naninirahan sa condominium na nasa 1716 M.H. Del Pilar St., Malate.
Natuklasan ang biktima dakong alas-6:00 ng hapon nang makatanggap ng reklamo mula sa mga kalapit na unit ng biktima hinggil sa masangsang na amoy mula sa unit nito.
Kaya naman agad na kinontak ang live-in partner ng biktima na si Rica Tarusanan, 41 ng Tondo, Maynila para mabuksan ang nasabing unit.
Nakita aniya ang biktima na walang damit, nakadapa malapit sa dining table at naaagnas na.
Sa salaysay naman sa pulisya ni TarusaÂnan, noong May 3, alas-11:00 ng umaga niya huling nakitang buhay ang Hapones habang sa record ng security personnel ng condominium ay lumalabas na noong May 5, alas-6:31 ng umaga huling nakitang buhay ang biktima at hindi na ito lumabas pa ng kanyang kuwarto.
Ang biktima ay duÂmaÂting sa Pilipinas noÂong April 6, inupahan ang condominum ng hanggang 6 na buwan.