^

Police Metro

Naaagnas na Japanese nat’l natagpuan

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakakasulasok na amoy ang  naging susi upang  matagpuan sa loob ng tinutuluyang condominium unit  sa Malate, Maynila  ang bangkay ng isang Japanese national na tinatayang mahigit isang linggo nang patay.

Kinilala ng MPD-Homicide division ang biktima na si Toshinosuke Okabe, 86, pansamantalang naninirahan sa condominium na nasa 1716 M.H. Del Pilar St., Malate.

Natuklasan ang biktima dakong  alas-6:00 ng hapon nang makatanggap ng reklamo mula sa mga kalapit na unit  ng biktima hinggil sa masangsang na amoy mula sa unit nito.

Kaya naman agad na kinontak ang live-in partner ng biktima na si Rica Tarusanan, 41 ng Tondo, Maynila para mabuksan ang nasabing unit.

Nakita aniya ang biktima na walang damit, nakadapa malapit sa dining table at naaagnas na.

Sa salaysay naman sa pulisya ni  Tarusa­nan, noong May 3, alas-11:00 ng umaga niya huling nakitang buhay ang Hapones habang sa record ng security personnel ng condominium ay lumalabas na noong May 5, alas-6:31 ng umaga huling nakitang buhay ang biktima at hindi na ito lumabas pa ng kanyang kuwarto.

Ang biktima ay du­ma­ting sa Pilipinas no­ong April 6,  inupahan ang condominum ng hanggang 6 na buwan.

 

BIKTIMA

DEL PILAR ST.

HAPONES

KAYA

KINILALA

MAYNILA

RICA TARUSANAN

TOSHINOSUKE OKABE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with