Lalaki, kinuyog, inatado ng 12 katao

MANILA, Philippines - Taga, saksak at palo sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang  tinamo ng isang  19-anyos na lalaki nang  pagtulungan  ng  12 katao sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.

 Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center si Robin Dandreb ng  No. 529 Callejon 1, Yangco St., Gagalangin Tondo  habang inaalam naman ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng  12 suspects na responsable sa krimen.

 Batay sa  report ni Det. Glenzor Vallejo ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong alas-10:00 ng gabi nang naganap ang insidente sa may Yangco St., Gagalangin, Tondo, Maynila, kung saan habang bumibili ng sim card sa tindahan ang biktima ay dumating ang mga suspek at mabilis na pinagtulungang pagpapaluin ng kahoy at pagsasaksakin sa buong katawan.

Tumigil lang ang mga suspek nang  nakitang bumagsak  na ang biktima. Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pagpatay.  

 

Show comments