MANILA, Philippines - Nakamit ng local na pamahalaan ng Pasay City sa ikatlong sunod na pagkakataon, ang 1st Place sa Highly UrbaÂnized Category at LiteÂracy Program for 2014 sa Metro Manila ng Regional Literacy Search for Outstanding Local Government Unit ng Department of Education (DepEd).
Ngayong taon ay tinalo ng Pasay ang 16 pang lokal na pamahalaan sa Metro Manila habang pumangalawa ang lungsod ng Navotas.
Ang naturang award ay hinahanap ang natatanging lokal na pamahalaan na nag-debelop at nagpatupad ng mga polisiya, programa at proyekto para maitaas ang kaalaman sa pagbabasa at pagsusulat o “literacy†sa lebel ng mga barangay at epekto nito sa buhay ng mga mamamayan.
Ikinatuwa ni Mayor Antonino Calixto ang naturang parangal at sinabing resulta ito ng pagtutuluÂngan para maisulong ang mga programa sa edukasyon ng pamahalaang lungsod.
Dati nang nakuha ng Pasay City ang naturang award noong taong 2010 at 2012.
Bilang number 1 sa Metro Manila, malaki ang tsansa ng Pasay City na makuha ang National LiteÂracy Awards na ibibigay ng DepEd ngayong taon.
Sa isinagawang “On-site Validation and EvalÂuation†sa mga programa ng Pasay City, ipinagmalaki ang tatlo nilang programa: ang “Education for All program†ng Division of City Schools, ikalawa ang “Take Care I Care†Health Program ni Mayor Calixto na nagbibigay ng P25,000 hospital subsidy bawat residente; at ikatlo ang “Family-based Ecological Diversion and Recycling of Waste (FEDROW), na nagbibigay naman ng edukasyon para sa pagkakakitaan ng bawat tahanan.