MANILA, Philippines - Handa na umano kahit saan na kulungan ilagay sina Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile, Senator Jose “Jinggoy†Estrada, at Senator Ramon “Bong†Revilla Jr.
Sinabi ni Enrile na hindi siya nababahala sa napipintong pag-aresto sa kanya sa kasong plunder at naniniwala siyang maipapanalo niya ang kaso at makakatulog pa siya ng mahimbing sa loob ng siyam na oras at nakakapag-exercise pa sa umaga.
Sinabi naman ni Revilla na bagaman at nakakapika ang paulit-ulit na ulat na ikukulong na sila ay tanggap na niya ang nangyayaring political persecution at sinabihan niya ang pamilya na huwag iiyak kapag nangyari na ang pag-aresto sa kanya.
Ipinauubaya naman ni Estrada sa Sandiganbayan ang pagde-desisyon sa kaso sa pagpapalabas ng warrant of arrest at sanay umano na siya matapos maharap rin noon sa kasong plunder sa kapanahunan ni dating Pangulong Gloria Arroyo.