Granada sumabog: 4 utas

MANILA, Philippines - Nasawi ang apat na katao kabilang ang isang ama at dalawa nitong anak matapos na sumabog ang nabitiwang granada ng isang lasing na lalaki na pumasok sa bahay ng mag-aama kahapon ng madaling-araw sa bayan ng Isabela, Negros Occidental.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Melvin Tanghiyan, 42, at dalawang anak nitong sina Marynachel Tanghiyan,13;Caren Tanghiyan at ang suspek na si Dagul Domingo, nasa hustong gulang.

Nasugatan naman sina Marilou Tanghiyan, 39, ina ng dalawang nasa­wing bata; mga anak nitong sina Melvin Jr., 10, Rica, 8 at Kevin, 4.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas-12:05 ng madaling-araw nang lasing na pumasok sa bahay ng pamilya Tanghiyan na matatagpuan sa Sitio Baylantihan, Brgy. Lima Lima ang suspek na si Domingo na may dalang granada.

Dito ay tinatakot  ni Domingo ang pamilya Tanghiyan nang biglang may bumato sa nasabing bahay at nagulat ang una at nabitiwan nito ang granada at sumabog na kumitil sa buhay ng suspek at mag-aama.

 

Show comments