MANILA, Philippines - Magsisimula na bukas (Martes) ang Brigada Eskwela na malawakang school repair-cleaning program ng Department of Education (DepEd) bunsod na rin ng nalalapit na pagbubukas ng school year 2014-2015 sa Hunyo 2.
Nakikiusap ang DepEd sa mga magulang at mga mag-aaral na makiisa sa Brigada Eskwela sa mga elementary at high school levels na magtatagal hanggang sa Mayo 24 (Sabado).
Sentro ng aktibidad sa pagkukumpuni at pagÂlilinis sa mga upuan, desk, blackboards, bintana, comfort rooms at iba pang bahagi ng mga paaralan.
Nagpaabot na ng pakikiisa sa Brigada Eskwela ang mga school officials, parents, students and teachers sa Leyte, Guimaras; Balanga, Bataan; Iloilo Province, Tacloban, Legazpi, Sorsogon; Region I, CAR, Eastern Samar; Western Samar, Leyte, Koronadal City at Region IV-B.
Ang Brigada Eskwela, na kilala rin sa tawag na National School Maintenance Week ay isang nationwide voluntary effort kung saan nagsasama-sama ang mga guro, mga magulang, mga estudyante at community members para magsagawa ng minor repair sa mga pampublikong paaralan at ihanda ito sa muling pagbubukas ng klase.