Driver, dedo sa heath stroke

Dahil sa init ng panahon at alinsangan na nararamdaman kaya dalawang beses sa isang araw kung paliguan ng Nanay na ito ang kanyang anak sa Quezon Avenue, Quezon City. BOY SANTOS

MANILA, Philippines - Dedo ang isang 58-anyos na jeepney driver matapos tamaan ng heat stroke dahil sa sobrang init ng panahon, sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawi na si Rodolfo Panis, residente ng 184-A , Vicente Cruz  St. Sampaloc, Maynila.

Sa ulat ni PO3 Dennis Turla ng Manila Police District-Homicide Section,  nadiskubre ng kaniyang anak  na si John Mark, alas-5 :00 ng umaga kahapon  ang biktima na hindi na gumagalaw habang nakahiga sa nakaparadang dyip na ipinapasada nito, sa panulukan ng  Lardizabal at  Pureza  Sts. Sampaloc.

Unang inakala ni John Mark na natutulog lamang ang ama dahil sanay umano itong sa labas ng bahay matulog dahil sa init sa loob ng bahay.

Nakiusap  na rin ang anak na huwag na lamang isailalim sa imbestigasyon ang pagkamatay ng kanyang ama dahil sa paniniwalang walang foul play sa insidente.

 

Show comments