Driver, dedo sa heath stroke
MANILA, Philippines - Dedo ang isang 58-anyos na jeepney driver matapos tamaan ng heat stroke dahil sa sobrang init ng panahon, sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng umaga.
Kinilala ang nasawi na si Rodolfo Panis, residente ng 184-A , Vicente Cruz St. Sampaloc, Maynila.
Sa ulat ni PO3 Dennis Turla ng Manila Police District-Homicide Section, nadiskubre ng kaniyang anak na si John Mark, alas-5 :00 ng umaga kahapon ang biktima na hindi na gumagalaw habang nakahiga sa nakaparadang dyip na ipinapasada nito, sa panulukan ng Lardizabal at Pureza Sts. Sampaloc.
Unang inakala ni John Mark na natutulog lamang ang ama dahil sanay umano itong sa labas ng bahay matulog dahil sa init sa loob ng bahay.
Nakiusap na rin ang anak na huwag na lamang isailalim sa imbestigasyon ang pagkamatay ng kanyang ama dahil sa paniniwalang walang foul play sa insidente.
- Latest