MANILA, Philippines - Binabalak umano ng pamunuan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na ibaba ang presyo ng pamasahe sa Pasig River Ferry boat matapos na matumal ang pagdating ng pasahero sa unang araw na ito ay may bayad na.
Pinag-aaralan na ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang pagbaba ng pasahe na nasa P30 kung malapit at P50 kung malayo ang destinasyon.
Sinabi ni Tolentino na walang gaanong mananakay ang tumangkilik mula sa Guadalupe at Pinagbuhatan, subalit yung patungong Maynila ay marami naman aniyang sumakay na mga pasahero.
Inamin nito, na mas maraming tumangkilik sa ferry boat system ng nakaraang dalawang linggo dahil libre ang pamasahe dito at may libre pang pandesal at kape.
Bukod dito ay pinag-aaralan na rin ng MMDA na pagbibigay ng disÂkwento sa mga estudÂyante sa pagbubukas ng klase.