6-anyos nakuryente habang naglalaro

MANILA, Philippines - Isang 6-anyos na batang lalaki ang nasawi nang ito ay aksidenteng makuryente habang nag­lalaro kamakalawa sa bayan ng Candelaria, Quezon.

Ang nasawi ay kinilalang si Angelo Chavez, residente ng Sitio Taguan, Brgy. Bukal Sur ng ba­yang ito.

Sa ulat, bandang alas- 6:00 ng gabi habang ang biktima ay naglalaro sa labas ng kanilang bahay nang aksidenteng nahawakan ang nakalaylay na live wire bunsod upang bigla na lamang itong magkikisay.

Nagtamo ng 1st deg­ree burn sa kaniyang leeg ang biktima na ba­gaman nagawa pang maisugod sa pagamutan ay nasawi rin ito habang nilalapatan ng lunas.

Show comments