MANILA, Philippines - Pormal na naghain ng reklamo sa General Assignment Section (GAS) ng Manila Police District ang isang barangay kagawad laban sa tatlong pulis-Maynila na sumakal, nanutok ng baril sa kanya noong Martes ng gabi sa Tondo, Maynila.
Isa sa tatlong pulis na suspek ay kinilalang si PO2 Emmanuel Danao na kinasuhan ng assault, grave threat, alarm scandal at indiscriminate firing.
Sa salaysay ng biktimang si Ray Padasas Belarmino, 41, kagawad sa Brgy. 43, Zone 3, residente ng San Miguel St., Moriones, Tondo na noong nakalipas na Mayo 13, alas-6:20 ng gabi sa kanto ng San Miguel at Salvacion Sts., Tondo ay sinamahan niya ang pinsan na si Charlie sa nasabing lugar nang dumating si PO2 Danao, kasama ang 2 pang pulis at pinagmumura umano ang kaniyang pinsan kaya gumitna siya.
Nagalit umano si Danao sa pakikialam niya at binunot umano ang baril at sinakal siya sabay sabi ng “Walang kaga-kagawad sa akin†na nasundan pa ng pagpapautok sa ere at bago itinutok sa kaniya.
Naglabasan ang mga residente at nang dumami ang nag-uusÂyoso ay doon lamang binitawan ni Danao ang biktima at sumakay ng motorsiklo at dalawang kasamang pulis.