Napoles pwede nang lumabas sa ospital

MANILA, Philippines - Kailangan lamang anya na gumawa ng promisory note si Janet Lim Napoles para sa kanyang hospital bills at maaari na itong lumabas ng ospital.

Ito ang inihayag ng pamunuan ng Ospital ng Makati (OSMAK), kahit anya hindi makabayad ng kanyang hospital bills.

“The Ospital ng Makati reiterates that Janet Lim-Napoles can leave the hospital anytime by simply executing a promisory note,” wika ni  Dr. Perry Peralta, director ng OSMAK.  

Nakipag-ugnayan na umano sila  sa police detail ni Napoles para ipaalam dito na makalabas na ito ng pagamutan.

Idinagdag pa nito na ang usapin ukol sa  patuloy na pananatili sa pagamutan ni Napoles ay nasa kapasyahan na ng korte at hindi  sa pamunuan ng pagamutan.

Show comments