MANILA, Philippines - Maaari pang maragdagan ang bilang ng mga mambabatas at opisÂyal ng pamahalaan na nakapaloob sa “Napoles list†na isinumite ng Department of Justice (DoJ) sa Senado kahapon.
Ito ang malaking paniwala ni Justice Secretary Leila De Lima, dahil anya na hindi malayong may maalala pa si Janet Lim Napoles na mga pangalan ng senador at congressmen o opisyal ng gobyerno na dawit din sa PDAF scam.
Ito aniya ang nangyari sa Napoles list na isinumite sa Senado kung saan may mga sulat kamay na paÂngalan si Napoles na ipinahabol matapos maalala na nakatransaksyon din nito sa pork scam.
Tiniyak naman ni De Lima na maisusumite nito sa Senado sa susunod na linggo ang sinumpaang salaysay ni Napoles.
Sa isinumiteng Napoles list ni De Lima sa Senate Blue Ribbon Committee kahapon na pirmado ni Naploes ay 10 kasalukuyan at dalawang dating senador ang isinangkot nito.
Kasama sa listahan ni Napoles sina Senators Ramon “Bong†Revilla Jr.; Jinggoy Estrada; Juan Ponce-Enrile;Vicente “Tito†Sotto III; Loren Legarda; Aquilino “Koko†Pimentel III; Manny Villar (daÂting senador); Alan Peter Cayetano; Gringo Honasan; Robert Barbers (dating senador); Francis “Chiz†Escudero; JV Ejercito (dating kongresista).
Samantala, kinuwestiyon ni Senator Francis “Chiz†Escudero kung may deal na sa pagitan nina De Lima at Napoles kaugnay sa kung sinu-sino ang dapat isangkot sa scam matapos magkaroon ng pagkakaiba sa listahang ibinigay ni De Lima sa Senado at sa listahan ng whistle blower na si Benhur Luy.
Ipinagtataka rin ni Escudero kung bakit sa gitna ng paglutang ng sinasabing listahan na sangkot sa pork barrel scam ay mistulang si De Lima ang nagsisilbing spokesperson ni Napoles
Naniniwala si Escudero na “napasakay†ni Napoles si De Lima at maging ang iba pang indibiduwal at halos nagkakagulo ang lahat dahil lamang sa salita ni Napoles.
Si Escudero ay kasama sa listahan ng mga senador na nakinabang sa pork barrel fund scam na ibinigay ni De Lima, subalit hindi umano kasama ang pangalan nito sa listahan ni Benhur Luy.