^

Police Metro

Bata natusta sa sunog

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Halos hindi na makilala ang isang 3-anyos na batang babae makaraang makulong ng apoy sa nasusunog nilang bahay na tumupok rin sa may 30 kabahayan kamakalawa sa Brgy. Kasanyangan, Zamboanga City.

Ang biktima ay kinilala sa pangalan lamang na Bambi.

Batay sa ulat, bandang alas-3:00 ng hapon nang magsimula ang sunog sa bahay ni Majad Irang sa Brgy. Kasanyangan na kung saan ay naiwang natutulog sa loob kaya’t hindi na nailigtas dahilan masyado ng malaki ang apoy.

Kumalat ang apoy sa may 30 kabahayan  na pawang gawa sa mahihinang uri ng materyales.

Sa inisyal na imbestigasyon ang sunog ay sanhi ng electric short circuit matapos na mawalan ng kuryente sa lugar at bigla itong manumbalik.

Dalawang oras ang nakalipas bago idineklarang fireout ang sunog.

vuukle comment

APOY

BAMBI

BATAY

BRGY

DALAWANG

KASANYANGAN

KUMALAT

MAJAD IRANG

SUNOG

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with