P32.2-M marijuana binunot

MANILA, Philippines - Nasamsam ng mga elemento ng pulisya ang nasa P32.2 milyon halaga ng marijuana sa isinagawang serye ng marijuana eradication operation sa ilang mga bulubunduking lugar sa Kibungan, Benguet.

Sa ulat, magkakasunod na sinalakay ng mga otoridad umpisa pa noong Martes hanggang kamakalawa ang malalaking plantasyon ng marijuana sa mga Sitio Loksi, Sitio Balbanag at Badeo sa naturang bulubunduking munisipalidad.

Siyam na malalawak na taniman ng marijuana na may sukat na 950 square meters ang sinalakay ng pulisya.

Ang lahat ng nabunot na marijuana ay sinunog sa taniman habang ang iba naman ay gagamiting ebidensya sa korte.

 

Show comments