MANILA, Philippines - Kritikal ang lagay sa pagamutan ng isang 22-anyos na bading nang ito ay gilitan sa leeg ng kanyang naging ka-eyeball na nagalit dahil sa pagpapanggap na isang babae naganap sa isang disco party sa Brgy. Buenavista, Zamboanga City.
Ang biktima ay kinilalang si Leonard Cape, na nilalapatan ng lunas sa Cristino Paragas Memorial Hospital dahil sa tinamong malalim na mga sugat sa leeg.
Batay sa ulat, bandang ala-1:29 ng madaling araw sa loob ng coÂvered court ng Buenavista EleÂmentary School campus sa Brgy. Buenavista ay nagaganap ang disco party.
Nabatid na nakipag-eyeball ang biktima na nagpanggap na dilag sa suspek na nagyaya naman ditong makipag-date at dumalo sa isang masaÂyang disco party sa lugar.
Dahil madilim ang lugar ay hindi umano napansin ng suspek na bading ang ka-date niya at matapos umindak sa saliw ng tugtugin sa nasabing disco party ay niyaya nito ang biktima sa ilalim ng puno.
Magkahawak kamay pa ang dalawa na pansaÂmantalang umalis sa dance floor at nagtungo sa ilalim ng puno upang doon umano maglamÂbingan.
Habang pinaghahalikan ng suspek ang biktima at umano’y hinipo sa maselang bahagi ng katawan ay nadiskubre nitong napeke siya dahilan bading at hindi babae ang ka-date kaya sa matinding galit ay bumunot ng patalim at ginilitan ito ng ilang beses sa leeg.