MANILA, Philippines - Kung naibigay na ni rehabilitation czar Panfilo Lacson sa Senado ang kanyang ‘Napolist’ na galing sa mister ni Janet Napoles na si Jimmy ay humirit naman si Justice Secretary Leila De Lima ng extension o karagdagang panahon sa Senate Blue Ribbon Committee para sa pagsusumite ng listahan at affidavit mula kay Janet.
Idinahilan ni De Lima na malabo umanong matapos ngayon ang seÂcond affidavit ni Napoles na naglalaman ng higit na kumpleto at detalÂyadong salaysay laban sa mga sinasangkot sa pork barrel scam.
Una nang sinabi ni De Lima noong Miyerkules na nakapagsumite na ng initial affidavit sa DOJ ang kampo ni Napoles ngunit iyon ay limitado pa lamang sa naging transaksyon niya sa mga mambabatas na kasama sa unang batch ng mga inireklamo sa Ombudsman kaugnay sa PDAF scam at Malampaya fund scam.
Nalagdaan na aniya ni Napoles ang initial affidavit ngunit hinihintay pa umano ang ikalawang affidavit na inaasahang maglaÂlantad sa naging tranÂsaksyon ni Napoles sa lahat ng mga mambabatas na inilagay niya sa kanyang listahan.