8 todas sa pesticide

MANILA, Philippines - Walong katao ang naiulat na nasawi habang 100 ang naratay matapos na humalo sa kanilang inu­ming tubig ang pesticide sa apat na barangay sa bayan ng Alamada, North Cotabato.

Ito ang ulat na natanggap ng Office of Civil Defense (OCD) Region 12, na kabilang sa mga nasawi ay pawang residente ng Brgy. Upper Dado sa bayan ng Pig­cawayan, Alamada.

Karamihan sa 100 nakaratay sa Community Hospital sa Brgy. Poblacion, Alamada ay mga bata habang ang iba pa ay nilalapatan ng lunas sa pagamutan sa Midsayap ng lalawigan.

Iniulat naman ni Ala­mada Vice Mayor Samuel Alim  na posibleng ang pagi-spray ng pesticide sa mga pananim ang pinagmulan ng paglason sa mga biktima.

Ayon kay Alim ang kemikal na ginamit sa pagi-spray ng mga pana­nim ay posibleng umagos sa mga daluyan ng tubig dulot ng mga pag-ulan nitong linggo (Mayo 13).

Show comments