MANILA, Philippines - Mistulang may personal agenda, sariling plano at laro si dating Senador Panfilo Lacson sa pagsasapubliko ng Napoles list.
Ito ang inihayag ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. at Vice-president ng Liberal party (LP) kaya’t dapat mag-ingat ang publiko.
Paliwanag ni Belmonte, ipina-subpoena na ng Senate Blue Ribbon Committee si Justice Secretary Leila de Lima at dapat na munang hintayin ang aksyon dito ng Senado at huwag pangunahan.
Maging ang ibang miÂyembro ng mayorya na sina Misamis Occidental Rep. Jorge Almonte at Quezon City Rep. Bolet Banal ay sang-ayon na ipaubaya na lamang sa senado ang pagbusisi sa Napoles list.
Maituturing anya na wala sa panahon sakaling magpatawag naman ng imbestigasyon ang Pangulo bukod dito ay nagpahayag din naman si Lacson ng kahandaan na haharap sa pagdinig sa oras na maipatawag ng Senado upang masuri ang listahan at makita kung may pagkakaiba sa listahan na mayroon naman si De Lima.