Uminom ng ‘pampatigas’ natigbak sa hotel

MANILA, Philippines - Inatake sa puso at nasawi ang isang 56-anyos na lalaki matapos na ito umano ay uminom ng sex drugs para makaniig ang isang hindi pa kilalang batang babae sa loob ng isang hotel sa Bacoor City, Cavite.

Ang nasawi ay kinilalang si Ernesto Golingay, 56, may-asawa ng KPMP Fondation Brgy. Pasong Kamachile 2, General Trias, Cavite.

Sa ulat, bandang alas-2:30 ng madaling-araw nang dalhin sa ospital ang biktima matapos na atakehin sa puso sa loob ng One Serenata Hotel.

Sa pagsisiyasat na dakong alas-10:30 ng gabi kamakalawa nang mag-check in ang biktima kasama ang hindi na pinangalanang babae sa nasabing hotel.

Sa kuwento ng babae, matapos na ilang minuto na uminom ng sex drug supplement ang biktima ay dumanas ito ng paninikip ng dibdib hanggang sa bumagsak sa sahig.

Narekober ng pulisya sa lugar ang isang balat ng dietary supplement for men.

 

Show comments