MANILA, Philippines - Inutusan na ng Senate Blue Ribbon Committee na isuko ang listahan ni Janet Lim-Napoles na hawak nina Department of Justice Secretary Leila De Lima at rehabilitation czar Panfilo “Ping†Lacson.
Nilagdaan na kahapon ni Guingona ang subpoena duces tecum para kay De Lima upang ipa-surender dito ang hawak na listahan bago ang Mayo 15.
“By authority of Section 17, Rules of Procedure Governing Inquiries in Aid of Legislation of the Senate, Republic of the Philippines, you are hereby commanded and required to submit on of before Thursday, May 15, 2014 to the Committee on Accountability of Public Officers and Investigation (Blue Ribbon) of the SeÂnate…certified true copies of: Alleged Napoles list/affidavit on the PDAF scam,†nakasaad sa subpoena na nilagdaan ni Guingona.
Idinagdag ni Guingona nangako na sa kanya si Lacson na ibibigay ang hawak nitong listahan ngayong linggo.
Nakasaad sa nasabing listahan ang pangalan ng iba pang senador at pulitiko na sinasabing nakinabang sa kanilang priority development assistance fund (PDAF) na mas kilala sa tawag na pork barrel funds.
Samantala, tila naguguluhan si Pangulong Benigno S.Aquino III dahil sa 3 magkakaibang listahan na ibinigay ni Napoles kaugnay ng mga sangkot sa P10 bilyong pork barrel scam.
Aniya, ang isa sa mga ito ay ang ibinigay ni Napoles sa kanya habang ang ikalawang listahan ay ibinigay naman kay De Lima at ang ikatlo ay ang hawak naman ni Lacson.
Dahil hindi naman siya abogado ay sinilip lamang niya ang listahan at agad na ibinigay sa legal team ng Malacañang kabilang si De Lima.
“Merong alleged, maraming hindi. Pero alam ninyo kasi parang kapag sinabi kong may discrepancy, iyong number nagfa-fluctuate e. Iyong unang list na ipinadala sa akin X numbers sabihin natin, ano. Iyong next list na nakita ko, minus three. Tapos iyong binabanggit sa akin parang plus four. O di ba, parang, hindi merong ganun phrase: ‘Ano ba talaga ate?’ Hindi ba? Parang ganun,†sabi pa ni Aquino.
May hinala si Pangulo na ang 3 magkakaibang listahan ay para guluhin lamang ang kaso kaya nais niyang mabatid kung bakit pabagu-bago ang listahan ni Napoles pero hindi daw siya ang magtatanung nito sa negosyante.