Bilanggo todas sa ‘heat stroke’

MANILA, Philippines - Todas ang isang bilanggo makaraang tamaan ng ‘heat stroke’ o matinding init sa loob ng selda sa Caloocan City, kamakalawa ng  madaling araw.

 Naisugod pa sa Caloocan City Medical Center ngunit nalagutan rin ng hininga ang 59-anyos na si Rolando Dador, ng Libis Baesa ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Caloocan Police, Mayo 4 dakong alas-5:00 ng hapon nang arestuhin ng mga pulis si Dador dahil sa pambubugbog sa kanyang misis na si Nely, 54-anyos.  Nasampahan ito ng kasong violation against women ngunit hindi nakapagpiyansa ng hinihinging P50,000 ng piskalya kaya tuluyang nakulong.

 Naiditine sa selda ng Caloocan Police Station 1 ang suspek habang hinihintay ang “commitment order” para mailipat ito sa Caloocan City Jail.

 Biyernes ng hapon nang magreklamo ng hirap sa paghinga si Dador kaya agad itong isinugod sa CCMC at na-confine dahil sa mataas na presyon ng dugo.   Alas-2:45 kamakalawa ng madaling araw nang tuluyang malagutan ng hininga ang suspek.

 

Show comments