MANILA, Philippines - Ito ang ginawang paniniyak kahapon ng Manila Electric Company (Meralco) sa kabila ng ilang brownout sa Metro Manila.
Sa pahayag ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, ang panandaliang pagkawala ng kuryente sa ilang lugar kabilang na sa bahagi ng Quezon City kamakailan ay dahil sa biglaang pag-shutdown ng isang planta.
Kahit may sapat na suplay ay hinihimok pa rin ang publiko na magtipid pa rin ng konsumo sa kuryente ngayong panahon ng tag-init kung kailan malakas ang konsumo ng elektrisidad.
Una nang sinabi ng Meralco na sa halip na magtaas ng singil ay magpapatupad sila ng bawas-singil na P0.05 kada kilowatt hour (kWh) ngayong Mayo.