DA handa na sa El Niño phenomenon

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Department fo Agriculture ang kahandaan nitong harapin ang epekto ng El Niño pheno­menon na tatama sa bansa ngayong taon.

Ayon kay DA Secretary Proceso Alcala, magsisimulang makaapekto sa bansa sa Hunyo at kalagitnaan ng pagtatapos ng taong 2014 ang nasabing tagtuyot.

Aniya,  sinimulan ng kanilang kagawaran ang cloud seeding operations para makabuo ng ulan sa mga pangunahing watersheds at mga sakahan sa Cagayan Valley na hindi nakakatanggap ng ulan ng hindi bababa sa isang linggo.

Paiigtingin din ng DA ang cloud seeding ope­ration upang mailigtas ang mga maaring anihing pananim at iba pang ginawa upang hindi masira.

Sa kasalukuyan, may 15 cloud seeding trips na umano ang nakumpleto ng DA-Bureau of Soils and Water Management (BSWM) sa mga naapektuhan ng tagtuyot sa munisipalidad ng Isabela. Bunsod nito’y mapipigilan ang pagkasira ng may 4,155 ektarya ng tanim na mais sa probinsya, kung saan 3,490 ektarya ay nasa yugto ng reproduksyon at 665 ektarya ay hindi aktibo.

Bukod sa cloud see­dings, namahagi din ang kagawaran ng mga magagamit para sa paggawa ng balon at iba’t-ibang uri ng pananim para makatulong sa mga magsasaka na naapektuhan ng tagtuyot.

Show comments