Ama sinaksak ng anak grabe

MANILA, Philippines - Malubha ang kalagayan ng isang 59-anyos na ama matapos itong pagsasaksakin ng kanyang lapasta­ngang anak nang magtalo ang mga ito sa Brgy. Baluno, Dimataling, Zamboanga del Sur kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Dominador Oma,  residente ng Purok 4, Brgy. Baha sa bayan ng Dimataling ng lalawigang ito at ang anak na suspect na nakilala naman na si Roel Oma, 29.

Sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-3 ng hapon sa nasabing lugar habang nag-iinuman ang mag-ama.

Bigla na lang umanong nauwi sa mainitang pagtatalo ang kuwentuhan ng mag-ama hanggang sa mapikon ang suspect at saka pinagsasaksak ang biktima.

Agad namang isinugod sa Margosatubog Regional Hospital  ang biktima para malapatan ng lunas sa tinamong mga saksak sa katawan habang boluntaryong sumuko ang suspect at ngayon ay nakakulong sa detention cell ng Dimataling Police Station. Nahaharap rin ito sa kasong criminal.

Show comments