MANILA, Philippines - Walang awang pinatay at hinalay ng isang 17-anyos na binatilyo ang isang 47-anyos na ginang na kanyang hinoldap kamakalawa ng gabi sa Brgy. Opong, Tagana-an, Surigao del Norte.
Ang biktima ay kinilalang si Elizabeth Horbuda, may-asawa, residente ng Sitio California ng nasabing barangay.
Sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon nang maganap ang krimen sa Sitio California, Brgy. Opong, Tagana-an ng lalawigan.
Lumalabas sa imbesÂtigasyon na nagÂlalakad ang biktima sa nasabing lugar nang harangin at holdapin ng suspek na itinago sa paÂngalang Jimmy, 17-anÂyos, obrero at naninirahan rin sa naturang barangay.
Dito ay kinaladkad ng suspek sa damuhan ang ginang at hinalay na hindi pa nakuntento ay pinaslang pa matapos na pagpupukpukin ng bato sa ulo.
Nang mapatay ang ginang ay itinapon niya ito sa isang abandonadong tunnel sa magubat na bahagi ng lugar.
Ang suspek ay nakilala matapos na isang residente sa lugar ang nakakita dito na tumatakbo at duguan ang damit.
Nagsagawa nang follow-up operations ang mga otoridad at naaresto ang suspek at nakuha mula sa pag-iingat nito ang Nokia cellular phone at isang pares ng tsinelas ng biktima.
Inilagay sa kustodya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang suspek.