^

Police Metro

Opisyal ng NPA dakip sa beach resort

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasakote ng intelligence operatives ng militar at pulisya ang isang mataas na lider ng Commmunist party of the Philippines- New People’s Army (CPP-NPA) habang nagliliwaliw  kasama ang kaniyang nobya sa isang  beach sa Davao City kahapon ng umaga.

Ang suspek ay kinila­lang si Roy Erecre alyas Ka Toto/Pasyong, Secretary ng Central Visayas Regional Committee ng CPP-NPA sa nasabing lungsod.

Si Erecre ay may patong sa ulong P 5.4 M para sa kaniyang ikakaaresto.

Nabatid na bago ang pagkaaresto ng suspek ay  nakatanggap ng impormasyon ang mga otoridad  hinggil sa presensya ni Erecre at ng nobya nitong si Judith Jaron-Niog na nagi-island hopping sa magagandang beaches sa mga lugar na dinarayo ng mga turista sa Davao.

Si  Erecre ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest mula sa Regional Trial Court ng Cebu  at Bohol  kaugnay ng pamamaslang  laban sa mga sibilyan at tropa ng militar sa Bohol noong 1990 at nitong unang bahagi ng 2000 kung saan walang inirekomendang piyansa ang korte sa pansamantala nitong kalayaan.

Nabatid na si Erecre rin ang namuno sa ambush at pagkakapatay sa dalawang batang opisyal ng Phil Army na kinilala lamang sa mga apelyidong Lt. Que at Lt. Bungaos noong 1999 sa Carmen, Bohol.

BOHOL

CENTRAL VISAYAS REGIONAL COMMITTEE

DAVAO CITY

ERECRE

JUDITH JARON-NIOG

KA TOTO

NABATID

NEW PEOPLE

PHIL ARMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with