4 sundalong adik tanggal sa serbisyo
MANILA, Philippines - Tinanggal sa serbisyo ang apat na sundalo matapos magpositibo ang mga ito sa paggamit ng shabu sa lalawigan ng Iloilo
Ito ang inihayag ni Major Ray Tiongson, Spokesman ng Army’s 3rd Infantry Division natumanggi na tukuyin ang pagkakakilanlan ng mga sundalo na kinabibilaÂngan ng isang Army Sergeant, isang Corporal at dalawang Private First Class.
Nabatid na noong Agosto ng nakalipas na taon ay sinimulang isalang sa drug test ang tropa ng mga sundalo ng 82nd IB sa ilalim ng pamumuno ni Lt. Col. Aldwin Almase na pinaghati sa ilang batch ang nasa 500 nitong tauhan.
Noong una ay negatibo ang resulta ng drug test sa apat na sundalo, subalit muli namang ipinasalang sa unang bahagi ng taong ito sa confirmatory drug test na kung saan ay nagpositibo na ang mga ito sa paggamit ng shabu.
Sinabi ng opisyal na taun-taon ay isinasagawa ang drug test sa hanay ng mga sundalo upang tiyaÂking drug free ang hukbong sandatahan alinsunod sa direktiba ni AFP Chief of Staff Gen. Emmanuel Bautista.
- Latest