MANILA, Philippines - Nadakip kahapon ng umaga ng mga otoridad ang isang umano’y mataas na lider ng New People’s Army (NPA) sa isang operasyon sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.
Kinilala ang suspek na si Stanley Malaca na inaresto sa bisa ng arrest warrant na inilabas
ni Judge Noel Paulite sa kasong double murder dahil sa pagpatay sa isang “Sergeant Valencia,†at isang “Private Alcantara†ng Philippine Army noong Pebrero 9, 2007 sa Barangay Inoyonan sa Bula, Camarines Sur.
Si Malaca ay kinikilala bilang si “Commander Jamai†at “Angel†na sinasabing pinakamataas na lider ng NPA na kumikilos sa Camarines Sur, Camarines Norte at Regional Party Committee ng Communist Party of the Philippines (CPP).