MANILA, Philippines - Aprubado na sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang batas na naglalayong bigaÂtan ang parusa para sa mga election offense.
Sa botong 210, napagtibay ang House Bill 4111 na nagpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga election offense na may kaakibat na karahasan, pananakot o pagbabanta.
Sa ilalim ng nasabing panukala na iniakda ni Cagayan de Oro Cong.Rufus Rodriguez, nakasaad na ang sinumang mahahatulang guilty sa election offense ay mabibilanggo ng mula 6 hanggang 12 taon ng walang probationary period.
Pinakamabigat na parusa naman ang ipapataw sa mga kawani ng Comelec, mga sundalo, pulis hanggang barangay defense units na mapapatunayang lumaÂbag sa election code.
Kung ang magkakasala naman ay isang political party, koalisyon o partyÂlist ay papatawan ito ng multang kalahating milÂyong piso na may kaakibat na civil liability.