^

Police Metro

Mabigat na parusa sa election offense, aprubado na

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Aprubado na sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang batas na naglalayong biga­tan ang parusa para sa mga election offense.

Sa botong 210, napagtibay ang House Bill 4111 na nagpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga election offense na may kaakibat na karahasan, pananakot o pagbabanta.

Sa ilalim ng nasabing panukala na iniakda ni Cagayan de Oro Cong.Rufus Rodriguez, nakasaad na ang sinumang mahahatulang guilty sa election offense ay mabibilanggo ng mula 6 hanggang 12 taon ng walang probationary period.

Pinakamabigat  na parusa naman ang ipapataw sa mga kawani ng Comelec, mga sundalo, pulis hanggang barangay defense units na mapapatunayang luma­bag sa election code.
     Kung ang magkakasala naman ay isang political party, koalisyon o party­list ay papatawan ito ng  multang kalahating mil­yong piso na may kaakibat na civil liability.

APRUBADO

COMELEC

ELECTION

HOUSE BILL

ORO CONG

PINAKAMABIGAT

RUFUS RODRIGUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with