MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa mahigit P2 milyon ang natangay ng mga miyembro acetylene gang nang pasukin at pagnakawan nila ang isang pawnshop sa Quezon City.
Nadiskubre ang pagnanakaw sa isang sangay ng VY Domingo Pawnshop na matatagpuan sa Quirino Highway, Barangay Greater Lagro noong Linggo ng alas-4:20 ng madaling-araw, 10 oras matapos itong magsara noong Sabado.
Nabatid na nagkakahalaga ang mga alahas ng P2,364,100 habang P22,460 naman sa salapi.
Sinabi ng branch maÂnager na si Theresita Garzon, 40, dakong alas-6:00 ng gabi nang isara nila ang sanglaan.
Gayunman, tumunog ang alarma noong Linggo ng alas-4:20 ng madaling-araw sanhi para dumating ang mga otoridad at security guard sa lugar.
Nang silipin ang de rolyong pintuan ay nakita ang ilang damit at sako ng bigas sa glass counter at wasak na ang vault na sinira sa pamamagitan ng acetylene at wala na rin ang mga alahas.
Nabutas ang dingding ng shop dahil sa ginawang butas ng mga suspek kung saan sinira ang surveillance camera at lock ng pinto.