^

Police Metro

Mag-asawa tinaniman ng 21 bala

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Halos nasa 21 bala ang tinamo ng katawan ng isang mag-asawa nang sila ay pagbabarilin ng tatlong lalaki habang sakay ng motorsiklo na naganap kahapon ng umaga sa Quezon City.

Kapwa namatay sa lugar ng insidente noon din ang mag-asawang sina Neil, 43, at misis nitong si Rosela Sanogal, 44, accountant, residente  ng San Labrador Compound Himlayan Road, Brgy Pasong Tamo, Quezon City.

Nasugatan naman ang isang Josa Rey Dela Cruz, 11, estudyante, matapos tamaan ng ligaw na bala.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pag-ambush sa mag-asawa dakong alas-6:30 ng umaga sa entrance ng Gate 1 San Labrador Compound, Himlayan Road ay umalis ng bahay ang mga ito sakay ng motorsiklo para ihatid ng lalaki ang misis sa trabaho nito sa Antipolo City.

Pagsapit sa naturang lugar ay biglang hinarang ang mag-asawa ng isang kulay puting Toyota Tamaraw FX na walang plaka at dito lumabas ang tatlong lalaki at pinagbabaril ang mag-asawa.

Nang bumulagta ay  mabilis na tumakas ang mga suspek patungong Visayas Avenue Extension. 

Sa nasabing putukan ay tinamaan ng ligaw na bala sa bandang likuran si Dela Cruz na sanda­ling iyon ay bumibili ng pagkain tindahan.

Narekober sa lugar ang 15 basyo ng bala ng kalibre 45, at 6 na basyo ng bala ng kalibre 38.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo nang pamamaslang sa mag-asawa.

 

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

BRGY PASONG TAMO

DELA CRUZ

HIMLAYAN ROAD

JOSA REY DELA CRUZ

QUEZON CITY

ROSELA SANOGAL

SAN LABRADOR COMPOUND

SAN LABRADOR COMPOUND HIMLAYAN ROAD

TOYOTA TAMARAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with