Napatay na NPA may patong na P2.5-M

MANILA, Philippines - May patong sa ulo na P2.5 milyon ang isang napatay na rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Magallanes, Sorsogon kamakailan at nakumpirma na isa palang mataas na opisyal.

Ayon kay Philippine Army Spokesman Col. Noel Detoyato na natukoy na ang pagkakakilanlan ng nasawing rebelde na kinilalang si Recto Golimlim alyas Ka Cenon/Pingko/Remus noong Mayo 27 at may patong sa ulong  P2.5 M na tatanggapin ng masuwerteng tipster na tumangging pangalanan.

Nabatid na si Golimlim ay siyang tumatayong pinuno ng Explosive Department  at isa sa mga aktibo sa Executive Committee ng Bicol Regional Party Committee.

Ang bangkay ni Golimlim ay narekober ng tropa ng Scout Ranger Group ng Army’s 31st Infantry Battalion at 9th K9 Battalion habang nagsasagawa ng pursuit operations noong Abril 28 sa Brgy. Lapinig, Magallanes, Sorsogon dakong alas-3:30 ng hapon.

Ang pagkakapaslang kay Golimlim ay isang malaking dagok sa hanay ng rebeldeng komunista dahil ito ay isang bomb expert ng NPA movement  at ikalawa sa mga lider sa command ng Bicol Regional Party Committee.

 

Show comments