MANILA, Philippines - Naisalba ang buhay ng isang premature na sanggol sa kahol ng aso matapos na itapon ito ng kanyang menor-de- edad na ina sa basurahan kamakalawa sa Brgy. Labangon, Cebu City.
Sa salaysay ng isang ginang na dakong alas-6:00 ng umaga nang marinig niya ang walang tigil na pagkahol ng aso sa tumpok ng mga basura.
Inakala ng ginang na pusa ang tinatahulan nito kaya’t napilitan siyang bumangon upang itaboy ang hayop at laking gulat nito ng mabungaran ang duguan pang sanggol na walang saplot.
Agad namang umaÂlerto ang mga tanod at nasakote ang isang 17-anyos na babae na bigÂla na lamang kumaripas ng takbo kung saan nakita sa hita nito ang umaagos pang dugo.
Hinabol ng mga tanod ang dalagita at dinala sa hospital gayundin ang itinapon niyang sanggol matapos na isilang na nasa 7 buwan pa lamang.