MANILA, Philippines - Nakahanda ang gobÂyerno sa magiging epekto ng pinangangambahang tag-tuyot na tatama sa bansa o El Niño phenomenon.
Ito ang tiniyak kahapon ni Presidential Communications Operations Office head HermiÂnio Coloma Jr. dahil nakahanda na ang mga programa ng gobyerno at ipinatutupad na ang iba sa mga ito para maibsan ang magiging epekto ng tag-tuyot na inasahang tatama sa bansa.
Idinagdag ni Coloma na palaging kasama na sa pagbuo ng national budget ang paglalaan ng pondo para sa mga prayoridad ng gobyerno partikular ng Philippine Development Plan kung saan kasama na ang sa climate change.
Nakatitiyak si Coloma na maipatutupad ang mga nakahandang programa at napaghandaan ng kasalukuyang administrasyon ang paparating na problema.
Mararanasan ang El Nino phenomenon sa bansa sa pagpasok ng Hunyo na tatagal hanggang katapusan ng taon.