MANILA, Philippines - Maaari nang payagan si Pampanga Rep. Gloria Arroyo na makapagpiyansa kung patuloy na mabibigo ang prosekusyon na makapagharap ng testigo sa ginagawang pagdinig ng graft court sa kaso nitong plunder.
Ito ang inihayag ng Sandiganbayan First Division chairman Justice Efren dela Cruz nang muling hilingin ng prosekusyon na maipagpaliban ang presentasyon ng mga saksi na tatayo laban sa naturang kaso ni dating pangulong Arroyo.
Bagamat tutol ang depensa sa hakbang ng prosekusyon ay pinagalitan at pinagsabihan sila ni Justice DeLa Cruz na kung walang maihaharap na testigo sa gagawing pagdinig sa darating na Miyerkules ay maaaring makapaghain na ng bail petition si Gng. Arroyo.
At kapag pinayagang makapagpiyansa si Gng.Arroyo, maaari na itong makalabas sa pagkaka hospital arrest sa Veterans Memorial Hospital.
Si Gng. Arroyo at siyam na iba ay nahaharap sa kasong plunder dahil sa umano’y maanomalÂyang paglustay sa P360 milyon intelligence fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office.