^

Police Metro

Voter’s registration sa Mayo 6

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa Mayo 6, 2014 ang pasimula voter’s registration para sa 2016 elections kung saan ay 17 buwan palugit ito para sa mga botante.

Sinabi ni Commission on Election (Co­melec) Chairman Sixto Brillantes, binibigyan nila ng pagkakataon na makapagrehistro sa biometrics system mula Mayo 6 ngayong taon hanggang sa ika-31 ng Oktubre sa 2015.

Anya, iba ang biometrics system sa dati nilang sistema dahil kukuhanan ang mga botante ng fingerprints at litrato saka bibigyan ng voter’s ID.

Mas organisado at iwas pamemeke anya ito dahil isang rehistro lang sa voter’s registration machine ay pasok na ang impormasyon ng botante sa official system.
Tinatayang nasa 9.6 mil­yong mga botante ang rehistrado na ngunit wala pang biometrics habang hinihintay naman ang nasa 2.5 hanggang tatlong milyong bagong registrants.

Ayon pa kay Brillante na magsasagawa sila ng on-site registrations tuwing Linggo sa mga matataong lugar tulad ng simbahan at mga mall upang maabot ang mga hindi pa rehistrado.

Inanunsyo rin niya na sa Mayo 6 ay magkakaroon sila ng walkathon kung saan maglalakad ang mga tauhan ng Co­melec mula Laoag, Ilocos Norte hanggang Matnog, Sorsogon sa Luzon “to encourage the registration” para sa mga boboto.

Gagawin din umano ito sa Visayas at Min­danao upang palawigin pa ang kanilang kampanya.

Sakaling transferee o mag-iiba ng presinto  maaaring pumunta sa election office ng lilipatang presinto at magparehistro sa kanilang voter’s registration machine (VRM) upang makuhanan ng biometrics.

Samantala, maituturing na deactivated ang status ng ng isang botante kung hindi nito nagawang bumoto ng kahit isang beses sa da­lawang eleksyon noong 2013.

 

ANYA

AYON

CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

GAGAWIN

ILOCOS NORTE

INANUNSYO

LAOAG

SA MAYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with