MANILA, Philippines - Halos naaagnas nang matagpuang palutang-lutang sa ilog ang isang patay na sanggol na lalaki kamakalawa ng hapon sa Pasig River, bahagi ng Sta. Ana Hospital, Maynila.
Ang sanggol na mayroon pang pusod ay nakabalot sa lampin na hinihinalang itinapon lamang sa ilog matapos ipinanganak.
Sa ulat, dakong alas -2:30 ng hapon nang mapansin ng isang Jonathan Muccio sa likod ng Unit 32, Euro Villa Village, Sta. Ana, Maynila ang nakalutang sa ilog na inakalang manika na naiipit sa dalawang batong malalaki.
Upang masiguro ay nilapitan niya ito at doon nakumpirmang isang sanggol na namamaga na ang katawan dahil sa matagal na pagkababad sa tubig.