^

Police Metro

Hepe ng pulisya, itinumba

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang acting chief of police ang nasawi nang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga suspek kamakalawa ng gabi sa  Brgy. Sta. Fe, Danao, Bohol.

Kinilala ang  nasawing biktima na si SPO1 Noel Romagos, 47, may asawa, officer in charge ng Danao Police Station at residente ng Brgy. Cantubod, Danao ng lalawigang ito.

Sa ulat bandang alas-7:30 ng gabi ay kasalukuyang sakay ng motorsiklo ang biktima kasama ang misis nito pauwi sa kanilang bahay nang pansamantala silang huminto at bumaba ang misis para kausapin sandali ang isa nitong kaibigan sa lugar.

Habang hinihintay ng biktima ang kaniyang misis ay biglang sumulpot ang dalawang armadong suspek na nagtanong pa dito at ilang saglit ay pinagbabaril na ito.

Nang bumagsak sa lupa ay muli itong nilapitan ng mga suspek at muling pinagbabaril bago nagsitakas.

vuukle comment

BOHOL

BRGY

CANTUBOD

DANAO

DANAO POLICE STATION

HABANG

ISANG

KINILALA

NANG

NOEL ROMAGOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with