MANILA, Philippines - Nasawi ang 14 na miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) at isang sundalo habang 19 Marine troopers ang nasugatan sa naganap na bakbakan sa Brgy. Buhanginan, Patikul, Sulu kamakalawa ng hapon.
Sa ulat ni Brig. Gen. Martin Pinto, CommanÂder ng 2nd Marine Brigade at Joint Task Force Sulu, bandang alas-4:00 ng hapon nang atakihin ng nasa 100 bandido ang tropa ng mga sundalo sa pagtatangkang bawiin ang nakubkob nilang kampo sa Sitio Kan Jimao, Brgy. Buhanginan sa bayan ng Patikul na naganap noong Lunes ng alas-5:00 ng umaga.
Ayon kay Pinto habang nagbabakbakan ay may 200 pang mga armadong lawless elements ang sumaklolo sa mga kasamahang Abu Sayyaf Group galing Talipao at IndaÂnan kaya aabot sa halos 300 ang mga bandidong kanilang nakasagupa.
Sa nasabing pagtatangka ng Abu Sayyaf na mabawi ang kanilang kampo ay tumagal ang bakbakan ng dalawang oras.
Mabilis na nagsitakas ang mga bandido tangay ang mga namatay nilang kasamahan.
Patuloy ang crackdown operations ng tropa ng pamahalaan laban sa grupo ng mga bandidong Abu Sayyaf Group.