^

Police Metro

Kampo ng Abu nasakop

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang malaking kampo ng mga bandidong Abu Sayyaf ang nakubkob kahapon ng umaga sa isinagawang  operasyon  sa kagubatan ng Sitio Kan Jimao, Patikul, Sulu.

Sa ulat, dakong alas-5:00 ng umaga nang matisod ng mga sundalo ang kampo ng bandidong grupo sa nasabing lugar.

Dito ay nagkaroon ng putukan bago napilitan ang mga bandido na magsitakas bitbit ang mga sugatan at mga posibleng napaslang na mga kasama.

Ang kampo ng mga bandido ay may limang kubo na maaaring pagkasyahan ng nasa 100 katao na may mga bunkers at foxholes.

Ang nasabing kampo ay siyang pinagdarausan ng pagsasanay ng mga bandido partikular na sa mga bago nitong recruits.

Dito rin nagsasagawa ng pagpaplano ang mga bandido kapag may planong dukuting mga dayuhan at maging ang mayayamang negosyante.

vuukle comment

ABU SAYYAF

BAGO

BANDIDO

BANDIDONG

DITO

ISANG

KAMPO

PATIKUL

SITIO KAN JIMAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with