MANILA, Philippines - Mula Mayo 1 hanggang Hunyo 9 ngayong taon ay sisimulan na ang pagdagdag ng underground lines ng kuryente sa Newport Complex, Pasay City.
Kaya naman ay agad inaabisuhan ang mga motoÂristang dumaraan sa lugar na tahakin muna ang traffic re-routing plan sa mga nasabing araw or petsa.
Mula Mayo 1 hanggang May 20, isang northbound lane ng Andrews Avenue sa pagitan ng mga kalye ng Resort Drive ang isasara pansamantala.
Sa Mayo 21 naman hanggang Hunyo 9, isang lane sa Sales St. papuntang Andrews Avenue ang hindi madadaanan ng mga sasakyan,
Sa patuloy na pag-usbong ng mga pagbabago sa nasabing lugar ay inaasahang tataas din ang demand sa kuryente na matutugunan lamang sa pag-upgrade ng underground distribution facilities.