MANILA, Philippines - Ibinasura ng Ombudsman ang kasong plunder at katiwalian nina Pampanga Rep. Gloria Arroyo at anak nitong si Camarines Sur Representative Diosdado Ignacio “Dato†Arroyo na may kinalaman sa Libmanan-Cabusao Dam at Skybridge 1 at 2 projects sa Camarines Sur.
Inaprubahan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales noong petsang April 22, 2014 ang rekomendasyon ng Field Investigation Office (FIO) na isara na at idismis ang naturang mga kaso dahil sa kakulangan ng matibay na ebidensiya na nagdidiin sa mag-ina sa kaso.
Wala umanong ebedensiya na nakita ang Ombudsman na si dating Pangulong Arroyo at anak na direktahan at aktibong nakiisa sa pagpaplano at pagpapatupad sa naturang proyekto.