Obrero nahulog sa 40 palapag

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang construction worker nang tamaan ito ng beam crane at nahulog mula sa 40 palapag ng ginagawang five star hotel sa Taguig City kamakalawa.

Ang nasawi ay kinila­lang si Roger Bombita, 32, taga Angeles, Pampanga.

Sa ulat, ala-1:30 ng hapon sa ginagawang  Shangri-La sa Fort, na matatagpuan sa panulukan ng 30th at 3rd Sts., Global City, Fort Bonifacio ng natu­rang siyudad nang biglang bumigay ang e-beam ng crane at bumuhos ang laman ng bucket ng semento  at minalas na humampas kay Bombita ang e-beam ng crane na naging sanhi ng kanyang pagkahulog.

 

Show comments