MANILA, Philippines - Nasa malubhang kalagayan ang isang 3 buwan gulang na batang babae matapos na aksidenteng masuntok ng sariling ama dahil sa sobrang kalasingan kamakalawa ng gabi sa Brgy. Poctoy, Surigao City, Surigao del Norte.
Ang suspek na kinasuhan ng frustrated parricide ay kinilalang si Allan Borata, nasa hustong gulang at residente sa nasabing lugar.
Ang biktima ay kinilaÂlang si Alle Mae Borata, na nagtamo ng sugat at malaking bukol sa malakas na suntok ng kamao ng ama sa kaniyang ulo.
Nasugatan rin ang lolo ng sanggol na si Rogelio Menesis na sinaksak ng suspek nang tangkaing pigilan ito.
Sa ulat, bandang alas-7:00 ng gabi nang sunduin ni Remedios Borata karga ang sanggol na anak ang mister na nag-iinuman.
Ikinagalit ito ng suspek at nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa hanggang sa suntukin nito ang misis, subalit ang tinamaan ay ang biktima.