^

Police Metro

Beybi nasuntok ng tatay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasa malubhang kalagayan ang isang 3 buwan gulang na batang babae matapos na aksidenteng masuntok ng sariling ama dahil sa sobrang kalasingan kamakalawa ng gabi sa Brgy. Poctoy, Surigao City, Surigao del Norte.

Ang suspek na kinasuhan ng frustrated parricide ay kinilalang si Allan Borata, nasa hustong gulang at residente sa nasabing lugar.

Ang biktima ay kinila­lang si Alle  Mae Borata, na nagtamo ng sugat at malaking bukol sa malakas na suntok ng kamao ng ama sa kaniyang ulo.

Nasugatan rin ang lolo ng sanggol na si Rogelio Menesis na sinaksak ng suspek nang tangkaing pigilan ito.

Sa ulat, bandang alas-7:00 ng gabi nang sunduin ni Remedios Borata karga ang sanggol na anak ang mister  na nag-iinuman.

Ikinagalit ito ng  suspek at nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa hanggang sa suntukin nito ang misis, subalit ang tinamaan ay ang biktima.

 

vuukle comment

ALLAN BORATA

BRGY

IKINAGALIT

MAE BORATA

NASUGATAN

NORTE

REMEDIOS BORATA

ROGELIO MENESIS

SURIGAO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with