^

Police Metro

Sekyu utas sa holdaper

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Utas ang isang security guard makaraang pagbabarilin ng apat na holdaper nang tangkain ng biktima na harangin ang mga suspek matapos holdapin ang isang sangay ng LBC sa Quezon City,  kahapon ng umaga.

 Ang biktima ay kinilalang si Rhom Dela Cruz, 34, na agad na nasawi matapos magtamo ng mga tama ng bala sa kanyang katawan.

 Ayon kay PO3 Alvin Quisumbing, may hawak ng kaso, ang insidente ay naganap sa Arayat St., corner P. Bernardino St., Brgy. San Martin De Porres, Cubao, ganap na alas-8:51 ng umaga.

Pinasok umano at hinoldap ng apat na suspek ang sangay ng LBC sa katabing hotel na binabantayan ng biktima.

 Ang panghoholdap ay nasaksihan ni Dela Cruz kung kaya rumesponde ito at tinangka harangin ang mga holdaper pero pinaulanan siya ng bala na agad niyang ikinamatay.

 

vuukle comment

ALVIN QUISUMBING

ARAYAT ST.

AYON

BERNARDINO ST.

BRGY

CUBAO

DELA CRUZ

QUEZON CITY

RHOM DELA CRUZ

SAN MARTIN DE PORRES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with