^

Police Metro

Ex-PNP major, sangkot sa illegal drug?

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sangkot umano sa illegal drug ang isang police major kaya nanawagan ang Kilusan Kontra Katiwalian at Kabulukan (4K) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) na imbestigahan ang talamak na bentahan ng ilegal na droga sa Cogeo, Antipolo, Rizal.

Ayon kay 4K secretary general Rodel Pineda, isang umanong  alyas “Major Mansanas” ang nagbibigay ng proteksiyon sa illegal na bentahan ng droga sa Cogeo.

Idiniin din ng 4K na si Mansanas ay utak din ng land grabbing sa iba’t ibang bahagi ng Antipolo at pinatira niya roon ang mga ‘hired killers’ para may lilikida sa mga tumutututol sa kanyang ilegal na aktibidades.

Kinondena ng grupo ang pagbubulag-bulagan ng Antipolo PNP sa pagpatay sa mga home­owners association presidents na nagsimula noong 2007 nang magkasunod paslangin sina Maharlika Homeowners Association Inc. (HOAI) president Allan Albor at Pagrai HOAI president Maricar Mondejar.

Sinasabing binibigyan ng proteksiyon si Mansanas ng isang retiradong heneral na sangkot din sa drug trafficking na kasabwat ang mga pulis at hired killers na pinagkuta sa Brgy. Cupang, Marikina kaya kayang-kaya nilang ilikida ang sinumang hahadlang sa kanilang operasyon.

 

ALLAN ALBOR

COGEO

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

KILUSAN KONTRA KATIWALIAN

MAHARLIKA HOMEOWNERS ASSOCIATION INC

MAJOR MANSANAS

MANSANAS

MARICAR MONDEJAR

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RODEL PINEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with